David

Limay folk inalala namatay na ex-mayor

Christian Supnad Nov 28, 2025
431 Views

LIMAY, Bataan–Ginunita ng mga taga-Limay ang unang anibersaryo ng pagpanaw ni dating mayor Nelson David.

Sa pamumuno ng namatay na pulitiko, pinagtibay niya ang mga programang nakatuon sa kapakanan ng bawat Limayeño.

Kasama dito ang pagpapabuti ng serbisyong pangkomunidad, pagpapatupad ng mga makabuluhang proyekto, hanggang sa paglikha ng mga inisyatibong nagbigay ginhawa, oportunidad at pag-asa sa maraming pamilya.

Ang bayan ng Limay ang itinuturing na pinakamayamang munisipalidad bansa dahil dito nakatayo ang Petron refinery, DND arsenal at iba pang industrial at commercial establishment.

Kilala si NCD sa tahimik ngunit matatag na pamamalakad.

Si Mayor NCD ay kilala sa ugali niyang hindi marunong tumanggi lalo na sa mga humihingi ng tulong sa kanya.

“Maraming salamat, Mayor Nelson C. David. Ang inyong buhay at halimbawa ay patuloy na magbibigay-inspirasyon sa bayan ng Limay,” sabi sa isang pahayag.