Gat.Andres Bonifacio Memorial Medical Center

Lolo patay sa banggaan

554 Views

NAMATAY habang inoobserbhan sa Gat.Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang isang 61 anyos na driver ng kuliglig , nang masagasaaan ng isang nakaparadang van, na aksidenteng nabangga ng isa pang van na ipinaparada naman ng driver nito sa Tondo, Manila nitong Linggo ng madaling araw, Pebrero 20.

Ang biktimang si Vicente Amion, 61, driver ng kuliglig, at residente ng Bagong Silang, Caloocan City, ay naisugod pa ng kanyang kapatid ngunit idineklara na ring patay ng mga doktor.

Samantala, nasa kustodiya na ng Traffic Bureau , si Ronaldo Pacliita, 30, company driver, at residente ng Bilboa St., Tondo.

Batay sa ulat ng Vehicular Traffic Investigation Section (VTIS) ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), bandang 12:23 ng madaling araw nang maganap ang aksidente sa panulukan ng Bilbao St., at P. Herrera Sts., sa Tondo.

Sa kuha ng CCTV camera na pag-aari ng negosyanteng si Annalisa Aklan, 46, may asawa ng Bilbao St.sa Tondo , nakitang paparating ang minamanehong puting Mitsubishi L200 van ( NBU 5539) sa lugar nang mawalan ito ng kontrol at aksidenteng nabangga ang harapang bahagi ng isang puting Mitsubishi L300 van (WAO 910) na pagma-may-ari naman ni Aklan, na noon ay naka-park rin sa lugar.

Dahil dito, biglang umusad ang nakaparadang van at nasagasaan ang biktima na nagkataong nasa likod pala nito.

Nagtamo ng matinding pinsala sa kanyang ulo at katawan ang biktima at kaagad namang naisugod ng kanyang kapatid sa pagamutan ngunit namatay din ito habang inoobserbahan.

Kasong reckless imprudence resulting in homicide at damage to property ang kasong kahaharapin ni Pacilita.

Jon-Jon C. Reyes & C.J. Aliño