Just In

Calendar

October 2026
M T W T F S S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  
Pagasa

LPA ganap na bagyo na, tatawaging ‘Ada’

460 Views

GANAP ng bagyo ang low pressure area na nasa Mindanao at tatawagin itong Ada ang unang bagyo sa bansa ngayong 2026.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA),huling namataan ang Tropical Depression ‘Ada’ sa layong 635 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur taglay ang lakas ng hanging aabot sa 45km/h, na at pagbugsong haggang sa 55 km/h.

Kumikilos ito pa-hilagang kanluran sa bilis na 35km/h.

Sa ngayon, nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Northern Samar, Samar, at Eastern Samar sa Visayas maging sa Dinagat Islands, Surigao del Norte at Surigao del Sur sa Mindanao.

Ayon sa PAGASA, inaasahang lalakas pa ang bagyo at umabot sa Tropical Storm category sa loob ng 24 oras.

Posible rin itong mag-landfall o dumaan malapit sa Eastern Visayas sa Biyernes, at sa Catanduanes pagsapit ng Sabado o Linggo.