Calendar
LTO inisyuhan ng LTO sa 2 driver na nagbugbugan bunga ng road rage
NAG-ISYU ang Land Transportation Office (LTO) sa pamumuno ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao ng Show Cause Orders sa dalawang may-ari ng sasakyan at kanilang mga inatasang driver na nagbugbugan sa isang insidente ng “road rage” sa Cainta, Rizal. Ang pag-iimbestiga ay nagsimula matapos makita ang isang video na inilathala sa Facebook sa ilalim ng pangalan ng account na “PAPA PHI”.
Batay sa viral video, makikita na ang driver ay bumaba ng sasakyan na may dalang bagay na maaaring makapinsala at nagpakita ng agresibong pag-uugali sa driver ng isang sasakyan. Nagresulta ito sa pisikal na pagtatalo na naging dahilan ng pagkagambala sa daloy ng trapiko at abala sa ibang mga motorista. Natuklasan din na expired na ang rehistro ng isang sasakyan na sangkot sa nasabing road rage.
Alinsunod sa SCO, ang dalawang partido ay kinakailangang humarap sa pagdinig ng Intelligence and Investigation Division (IID) sa 05 Pebrero 2026, 1:00 PM. Ang mga may-ari ng sasakyan at driver ay kailangan magsumite ng paliwanag kung bakit hindi sila dapat paruhasan ng mga kasong administratibo katulad ng Compulsary Registration of Motor Vehicle, Reckless Driving, Obstruction of Traffic at kung bakit hindi dapat suspendihin o irevoke ang kanilang lisensya bilang Improper Person to Operate a Motor Vehicle.
Pansamantala na ring isinususpinde ang mga lisensya ng mga driver sa loob ng 90 araw, at ang dalawang sasakyan ay inilagay sa alarm status upang hindi muna maipagpatuloy ang anumang transaksyon hanggang sa matapos ang pag-iimbestiga. Kung hindi sila darating o hindi magsusumite ng paliwanag, ito ay ituturing na pagbibigay-wala sa kanilang karapatang marinig ang kanilang panig, at pagpapasiyahan ang kaso batay sa mga available na dokumento.
Sa kanyang pahayag, binigyang-diin ni Asec Lacanilao: “Ang ‘road rage’ at ang expired na rehistro ng sasakyan ay nagbabanta sa kaligtasan ng publiko at sa batas trapiko sa ating mga kalsada.
Hindi tatanggapin ng LTO ang anumang pag-uugali na nagdudulot ng panganib sa ibang mga motorista o hindi pinapahalagahan ang mga regulasyon sa transportasyon. Ang aksyong ito ay nagpapatibay sa aming pangako na ipatupad ang pananagutan at isulong ang responsableng paggamit ng mga kalsada sa lahat ng mga driver at may-ari ng sasakyan.”
#LTO #LTOPH #LTOPhilippines #DOTrLTO #BagongPilipinas #BagongLTOsaBagongPilipinas #LTOZeroCorruption #TotoongSerbisyoWagNegosyo #NoSettlementPolicy

