Suspek

Maggagasolina, ‘nanggasolina’ ng menor de edad, tiklo

Edd Reyes Jun 12, 2026
71 Views

TIMBOG sa Valenzuela City noong Huwebes ang 31-ayos na gasoline boy matapos ang limang taong pagtatago dahil sa kasong panggagahasa sa menor-de-edad.

Dala ang warrant of arrest galing sa Valenzuela Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Evangeline Mendoza-Francisco ng Branch 270, tiklo si alyas Mark para sa kasong rape at sexual assault in relation to RA 7610 (Special Protection Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination) dakong alas-10:10 ng gabi sa harap ng 7/11 sa Gen. T. De Leon Road, Brgy. Gen. T. De Leon.

Ilang araw tiniktikan nina P/Capt. Joan Dorado ang akusado matapos makatanggap ng impormasyon na bumalik ang suspek sa kanilang tirahan sa Rosario St., Brgy. Gen. T. De Leon.

Walang piyansang inirekomenda ang hukuman sa akusado para sa kasong rape pero nagtakda ng P200,000 piyansa para sa pansamantalang paglaya sa kasong sexual assault.

Pansamantalang nakapiit sa custodial facility ng Valenzuela police station si alyas Mark.