Hot News

‘Chavit Singson’ inaresto sa bahay ng QCPD sa kasong cyber libel

170 Views

INARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD ang dating gobernador ng Ilocos Sur na si Luis ‘Chavit’ Singson na nahaharap sa kasong cyber libel sa kanyang tahanan sa Barangay Ugong Norte, Quezon City nitong Huwebes ng hapon.

Si Singson,84, ay inaresto ng mga tauhan ng Police Station 12 (PS-12) dakong alas-1:18 ng hapon sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court (RTC) Branch 21 sa Vigan City.

Nahaharap ang akusado sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 kaugnay ng cyber libel.

Dinala ang suspek sa kustodiya ng PS-12 para sa dokumentasyon at iba pang kaukulang proseso bago iharap sa korte.

Ayon kay QCPD Director PBGen Randy Glenn Silvio, ipinakikita ng matagumpay na pagsisilbi ng warrant ang patuloy na pagtupad ng pulisya sa pagpapatupad ng batas at mga kautusan ng hukuman.

Samantala, nakapagpiyansa si Singson matapos maglagak ng cash bond na nagkakahalaga ng P60,000. Dahil dito, pinalaya siya mula sa kustodiya ng PS-12 nitong Hunyo 11, 2026.