Phivolcs

Magnitude 3.8 lindol yumanig sa DavOcc

Jun I Legaspi Apr 18, 2022
135 Views

ISANG lindol na may lakas na magnitude 3.8 ang yumanig sa Davao Occidental Linggo ng gabi.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naramdaman ang lindol alas-8:19 ng gabi.

Ang epicenter nito ay 61 kilometro sa silangan ng Sarangani Island at may lalim na 122 kilometro.

Walang inaasahang pinsala at aftershock ang PHIVOLCS sa pagyanig na ito.