Calendar
Magsino nagbabala sa mga OFWs na huwag magpapasilaw sa mga panlilinlang na malaking kikitain sa abroad
NANANAWAGAN ang OFW Party List Group sa mga mamamayan partikular na para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na maging maingat at mapanuri kaugnay sa mga inaalok sa kanilang trabaho sa ibang bansa at huwag basta-basta magpapasilaw sa malaking sahod na di-umano’y kikitain nila bilang migrant worker.
Ang babala ni dating OFW Party List Representative Marissa “Del Mar” P. Magsino ay may kaugnayan sa patuloy na panlilinlang ng mga illegal recruiter sa mga OFWs at ordinaryong mamamayan na ine-engganyong magtrabaho sa ibang bansa subalit sa kalaunan ay pipilitin silang magtrabaho sa online scam.
Sinabi ni Magsino na ganito ang naging masaklap na kapalaran ng apat na OFWs na kakabalik pa lamang ng Pilipinas matapos silang masagip mula sa kanilang pinagta-trabahuhan sa Laos. Sila ay sapilitang pinagtrabaho sa isang kompanyang nagsasagawa ng online scam para mangloko ng mga inosenteng biktima na ang ilan umano ay mga kapwa din nila Pilipino.
Ayon kay Magsino, inaalok umano ang mga OFWs ng mga online costumer service job na sila ay sasahod ng P47,000 subalit sila ay sapilitang pinagta-trabaho ng mahigit sa labing-limang oras kada araw para sa online scam.
Dahil dito, pinayuhan ng dating kongresista ang mga mamamayan lalo na ang mga naghahanap ng trabaho sa abroad na mag-ingat sa mga inaaplayan nilang trabaho at huwag basta-basta magpapabuyo sa matatamis na pangako ng mga recruiter.
Samantala, nagpaabot naman ng taos pusong pasasalamat ang pamilya ng 80-taong gulang na si Imelda Carandang ng Barangay San Joaquin, Sto. Tomas, Batangas para kay Magsino dahil sa ipinadala nitong wheelchair kay Gng. Carandang.
To God be the Glory

