BARMM Source: PRO-BAR

MAHIGIT 70 OPISYAL NG PNP-BARMM, SINIBAK SA PWESTO DAHIL SA HAZING NG 128 RECRUITS

239 Views

MAHIGIT sa 70 police officers ng Bangsamoro Autonomous in Muslim Mindanao (BARMM) ang sinibak sa pwesto dahil sa umano’y pagkakasangkot sa hazing sa mga bagong recruits sa Basilan.

Ang mga sinibak ay mga miyembro ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 14-B na nasa ilalim ng Police Regional Office–Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR).

Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson Brig. Gen. Randulf Tuaño, tinanggal ang lahat ng miyembro ng 14-B ng RMFB at pinalitan ng mga miyembro ng 14-A.

Kabilang sa mga nasibak ang 12 non-commissioned officers at positibong kinilala ng mga biktima.

Sa ngayon ang mga opisyal ay administratively relieved at nasa kustodiya ng PRO-BAR holding and accounting section sa Parang, Maguindanao del Norte at iniimbestigahan sa kasong paglabag sa Anti-Hazing Act o RA 11053.

“Zero tolerance din ang Philippine National Police kaugnay ng mga hazing sa mga training at sa mga welcome rites ” pahayag ni Tuaño.

Ang mga opisyal ay unang inireklamo ng isang recruit na sinundan ng 18 iba pa at ngayon ay umabot na sa 110 ang complainant.

Ang mga biktima ay isinailalim sa medical evaluation para malaman kung ilang opisyal ang sangkot sa nasabing hazing.

Ayon kay Tuaño , nakaranas ang mga biktima ng physical injuries, hematoma, suntok, sampal at iba pang uri ng pag-atake.

Ang naturang hazing ay naganap nitong nakaraang linggo sa RMFB headquarters sa Barangay Ubit, Lamitan City, Basilan.

Sa inisyal na ulat, ang mga bagong recruits ay pinag-duck-walk, pinagulong sa lupa at hinataw ng wooden sticks at arnis.

Sa ngayon, nagsasagawa na ng paraller investigation ang National Police Commission sa insidente.