Malabon1

Malabon nagpaalala sa mg residente prinsipyo ng 3Rs

15 Views

NILINAW ng pamahalaang lungsod ng Malabon nitong Martes ang mga termino sa kontrata nito sa isang waste management contractor na winakasan noong 2024 matapos mabigo ang huli na pamahalaan ang pangongolekta ng mga basura sa lungsod.

Kasunod ito ng mga ulat sa social media tungkol sa hindi umano pagbabayad ng pamahalaang lungsod sa Metro Waste Solid Waste Management Corporation (MWSWMC) para sa mga serbisyo nito, na nakaapekto sa napapanahong pagpapalabas ng suweldo ng mga empleyado nito.

“Kalinisan at kaayusan ng bawat lugar sa Malabon ang ating magagawa. At kasabay nito, ay sinusunod natin ng tama ang mga nakapaloob sa mga batas at kasunduan. Lalo na sa mga ganitong usapin. Kaya sana lahat tayo ay buong pusong tumupad sa ating tungkulin. Alam natin kung gaano kaimportante ang mga bagay na ito at makasiguro po kayo sa ating Lungsod, kalusugan, at pag-unlad Ng mga Malabueno ang una,” ani Mayor Jeannie Sandoval.

Sinabi ni Atty. Luis Armando Enemido, Officer-in-Charge ng City Legal Department (CLD , na ang mga pagbabayad para sa suweldo ng mga basurero ay hindi bahagi ng mga obligasyon ng lungsod sa ilalim ng kontrata nito sa MWSWMC.

“Kailangan po nating ilagay sa tamang konteksto ang lahat para rin maunawaan ng ating mga kapwa Malabueños. Tungkol sa hindi pagpapasahod ng MWSWMC sa kanilang mga empleyado, malinaw na labas ang City Government of Malabon dito. Wala sa anumang probisyon ng kontrata sa pagitan ng City at Metrowaste ang patungkol sa pagpapasahod sa mga empleyado nito. Ito ay sa pagitan lamang ng Metrowaste at ng kanyang mga empleyado,” dagdag niya.

“Tungkol naman sa usapin sa diumano ay hindi nagbabayad sa MWSWMC, ang bayad sa kanila ay nakadepende sa probisyon ng kontrata ng nasabing proyekto. Isa sa konsiderasyon ay kung ang MWSWMC ba ay lumabag sa kanilang obligasyon at tungkulin na nakasaad sa kontrata. Kung maaalala ng lahat, samu’t saring reklamo ang natanggap ng metrowaste dahil hindi maayos na pag papatakbo ng kanilang transfer station na inihain ng mga nakakasakop na residente sa DENR at sa City Government,” he said.

Pinaalalahanan ni City Administrator Dr. Alexander Rosete ang mga residente na ugaliin ang wastong paghihiwalay ng basura gayundin ang reuse, reduce, recycle (3Rs) na prinsipyo upang mapanatili ang kalinisan ng kanilang paligid.

Dagdag pa niya, maaaring makipag-ugnayan ang mga Malabueno sa pamahalaang lungsod (Malabon Command Center (8)-921-6009/(8)-921-6029 09423729891/09190625588 o TXTMJS – 09178898657) para iulat ang mga insidente ng mga iligal na basura sa kanilang mga lugar.