PCSO

Mananaya sa Bulacan nanalo ng P188.4M sa SuperLotto 6/49

Arlene Rivera Oct 24, 2022
152 Views

ISANG mananaya sa Guiguinto, Bulacan ang nanalo ng P188.4 milyon sa SuperLotto 6/49 na binola Linggo ng gabi, Oktobre 23.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) isa lang ang nakakuha ng winning number combination na 09-03-19-13-20-29 sa naturang bola.

Nanalo naman ng tig-P50,000 ang 171 mananaya na nakakuha ng lima sa anim na numerong lumabas.

Tig P1,200 naman ang tinamaan ng 5,683 mananaya na nakakuha ng apat na numero.

Tig-P50 naman ang tinamaan ng 65,839 mananaya na nakatatlong numero.