Martin2 Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez

Mas mabilis, ligtas na serbisyo para sa senior citizen dulot ng digital ID— Speaker Romualdez

364 Views

SeniorPINURI ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang paglulunsad ng digital National Senior Citizen ID (NSCID) sa eGovPH app, na makatutulong para gawing mas madali, ligtas, at marangal ang pagtanggap ng benepisyo at serbisyo ng mga senior citizen.

“Today’s technology has made life easier with just a tap on our phones. The same speed and efficiency should also apply to the delivery of government services, especially for our senior citizens who deserve comfort and dignity in their twilight years,” ani Speaker Romualdez.

Ayon kay Romualdez ang digital NSCID ay patunay ng pagtupad sa pangako ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawing moderno ang pamahalaan at ilapit ang serbisyo sa bawat Pilipino.

“Sa pamamagitan ng eGovPH app, agad na makikita ng ating mga senior citizen ang kanilang mga benepisyo at serbisyo—hindi na kailangan ng mahabang pila o dagdag na abala,” dagdag pa ni Romualdez.

Binanggit din niya na mahalaga ang digitalization bilang proteksyon para sa mga nakatatanda.

“Because the information is already in the app, seniors are less likely to be victimized by fixers or scammers pretending to ‘assist’ them. Wala nang bibilis pa sa tiyak at ligtas na eGovPH app,” ayon sa pinuno ng Kamara.

Pinangunahan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at National Commission of Senior Citizens (NCSC) ang inisyatibang upang mas mapadali ang pag-access ng mga nakatatanda sa kanilang mga pribilehiyo, kabilang ang diskuwento sa pagkain, gamot, transportasyon, serbisyong pangkalusugan, at iba pang pangunahing pangangailangan.

Mahigit 8.4 milyong senior citizen na may national ID ang makikinabang dito, kasama ang 1.2 milyong may aktibong eGovPH accounts. Sila ay awtomatikong makakakuha ng digital NSCID nang walang dagdag na papeles o form.

Panawagan para sa mas malakas na connectivity at digital inclusion

Hinimok ni Speaker Romualdez ang DICT at mga pribadong sektor na palakasin ang internet sa buong bansa para mas madaling magamit ng mga nakatatanda ang kanilang digital ID kahit saan sila naroon.

“Connectivity is the backbone of inclusivity. Better internet means better access—not just for our seniors but also for students, workers, farmers, and entrepreneurs who must be part of our modern digital economy,” ayon pa sa mambabatas.

Tiniyak ni Speaker Romualdez na patuloy na susuportahan ng Mababang Kapulungan ang pagpasa ng mga batas at paglalaan ng pondo para sa pagpapalawak ng digital infrastructure at pagpapahusay ng mga serbisyo para sa lahat ng sektor ng lipunan.

Pinalakas na digital literacy para sa seniors: “Walang dapat maiwan”

Nanawagan si Speaker Romualdez ng mas malawak na digital literacy programs kasama ang mga lokal na pamahalaan at komunidad para matulungan ang mga senior citizen na makasabay sa digital governance.

“Digitalization will mean little if many of our seniors cannot see or feel its advantages. We must guide them, step by step, and explain the importance of this innovation,” ayon pa sa kongresista mula sa Leyte.

Iminungkahi rin ni Speaker Romualdez ang pagsasagawa ng information campaigns at training sa mga barangay para maturuan ang mga nakatatanda ng digital skills, na makakatulong laban sa online scams at makapagbibigay ng dagdag na kaalaman at pagkakaibigan.

“Information is power. Our senior citizens, who have given their best years to family and nation-building, deserve nothing less than empowerment, safety, and continued productivity in this new digital age,” giit pa ng mambabatas.

“By embracing digital tools like the NSCID, we are opening a new chapter of convenience, protection, and dignity for our seniors. Sa Bagong Pilipinas, wala pong maiiwan—lalo na ang ating mga lolo at lola,” diin pa ni Speaker Romualdez.