Calendar
MAY WARRANT OF ARREST NAHARANG SA NAIA
BIGO ang planong lumipad patungong Hongkong ng lalaking pasahero nang harangin siya ng mga awtoridad sa NAIA Terminal 3 sa Pasay City.
Kaagad inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group (AVSEGROUP) ang lalaking pasahero nang lumabas sa beripikasyon ng Bureau of Immigration (BI) na may nakabimbin siyang kaso sa korte, halos 12 taon na ang nakararaan.
Nangyari ang pagdakip sa akusado Martes ng hapon nang matuklasan ng mga tauhan ng BI na may warrant of arrest na inilabas laban sa kanya ang Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 125 noon pang Setyembre 26, 2014 sa kasong Malversation of Public Property.
May inilaang piyansang P40,000 ang hukuman para sa pansamantalang paglaya ng akusado na kasalukuyang nasa kostodiya ng NAIA Police Station-3 para sa kaukulang dokumentasyon.at legal na pag-uusig ng korte.
“Strengthened collaboration and enhanced airport operations remain in place to ensure that no individual with standing warrants can use air travel to avoid accountability”, pagdidiin pa ni AVSEGROUP Director P/BGen. Dionisio Bartolome, Jr.
