Allan

Mayor Belmonte todo bigay ng ‘joy’ sa QC

22 Views

HABANG sobrang init ng pulitika, tahimik na kumikilos ang mga opisyal ng Quezon City para lalo pang paunlarin ang pinakamalaking lungsod sa National Capital Region.

Sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte, umarangkada ang ekonomiya ng lungsod kaya ito ang richest city sa buong bansa. Katulad nga ng palagi nating sinasabi rito, sa Quezon City ay hindi lang kuwento ang “ease of doing business” dahil nangyayari talaga sa totoong buhay.

Kaya nga sa ikaapat na pagkakataon, muling nakatanggap ang QC ng Overall Most Competitive Local Government Unit sa ilalim ng kategoryang Highly Urbanized Category. Ang naggawad ng parangal na ito sa QC ay ang mismong Department Trade and Industry (DTI) na siyang may mandatong magmonitor ng galaw ng mga negosyo sa buong bansa.

Bukod sa parangal na ito ng Cities and Municipalities Competitiveness Index 2024 na ibinigay kay Mayor Belmonte, nabigyan pa ng Special Award ang QC mula sa Intellectual Property Office of the Philippines dahil magmula pa noong 2019 ay Hall of Famer na ang lungsod sa kategoryang ito.

Sangkatatukak na recognition ang tinanggap ni Mayor Joy at ng buong QC LGU team gaya ng “Resilience champion” mula sa National Reliance Council, “Outstanding Public Servant” at “Presidential Lingkod Bayan awardee mula naman sa Civil Service Commission-NCR, “Most Outstanding Business Friendly mayor” mula sa Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), “Dangal ng Bayan Award” mula sa Gawad Pilipino Awards of EUROTV, “Maverick of the Year awardee” mula sa Esquire Magazine at “Outstanding Mayor” mula naman sa MCLE Accredited National Convention of Public Attorneys, “National Outstanding Mayor” of the Year mula sa Saludo Excellence, “Public Servant of the Year” at “Outstanding Woman” mula sa Crystal International Women’s Awards.

Hindi lang yan, tinukoy din ng United Nations Environment Programme si Belmonte bilang “champion of the Earth” dahil sa masigasig nitong pagsisikap na gawin ang Quezo City bilang enviromental friendly sa maraming aspeto ng kanyang pamamahala. Kunsabagay, kahit masyadong malaki ang QC, marami ka pa ring makikitang mga puno at halaman sa mga pangunahing kalsada. Bukod rito ang ang paglulunsad ni Mayor Joy ng urban vegetables gardening sa maraming lugar na cosistent niyang ginagawa magmula nang siya’y mahalal na alkalde noon pang 2019.

Ano ba naman ito si Mayor Joy, akala ko Belmonte ang apelyido, iyon pala “Joy Pakyaw” kasi pinakyaw na lahat ng awards sa bawat kategoryang itinakda sa local good governance.

By the way, huwag nating kalilimutan na maging ang Commission on Audit (
COA) ay makailang beses na rin nabigyan ng pinakamataas na parangal ang QC sa ilalim ni Mayor Joy. Halos taon-taon ay may unmodified opinion na nakukuha ang QC dahil sa magandang fiscal management. Ibig sabihin, puwede talagang marami kang nagagawa, napapaunlad mo ang lokal na pamahalaan pero masinop pa rin ang paggamit ng pondo ng bayan.

Ganitong klase ng alkalde ang dapat inaalagaan nating lahat na in the future ay puwedeng makatulong sa buong bansa. Hindi kasi marunong mamulitika itong si Mayor Joy, wala siyang pakialam sa pulitika basta ang lakad lang niya ay ang pamunuan nang maayos ang lungsod.

Wala pa itong “kaepal-epal” sa katawan kahit maganda ang kanyang performance. Hindi ba katulad ng iba, mas marami pa ang tarpauline at mga pagmumukha nila kahit wala naman silang nagagawa para sa kanilang mga mamamayan.

Ibang klase itong si Mayor Joy, malayo pa ang mararating nito. Ni Allan Encarnacion

[email protected]