Vic Reyes

Taumbayan dapat maging vigilant

Vic Reyes May 27, 2026
49 Views

MAGANDANG araw sa lahat ng ating mga suki, lalo na sa mga kababayan natin diyan sa Japan at Middle East.

Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.

Binabati natin sina Ma. Theresa Yasuki, Patricia Coronel, Aimi Houchii, Roana San Jose, La Dy Pinky, Chato Coronel, Endo Yumi, Yoshiko Katsumata, Hiroki Hayashi, Winger dela Cruz, at Hiroshi Katsumata.

Ganun din kay Joanne de Guzman at iba pang OFW natin sa Oman.

Ganun din kay Jess Manuel ng Saudi Arabia. Mag-iingat kayo diyan at hangad namin ang inyong kaligtasan.

***

Maraming stakeholders sa aduana ang natutuwa dahil sa mga reporma at pagbabagong ipinapatupad ng pamunuan ng Bureau of Customs (BOC).

Lahat ng mga repormang ito ay naglalayong mapaganda ang serbisyo sa dating “snake-infested waterfront.”

Sa totoo lang, hangad nina Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno na maging world-class ang serbisyo sa aduana.

Kaya nga determinado si Commissioner Nepomuceno na i-rollout ang Electronic Airway Bill (e-AWB).

Ang e-AWB ay naglalayong mabawasan ang delays, mga gastusin at ma-modernize ang cargo processing for exports.

“The initiative is expected to deliver immediate gains to exporters by shortening clearance time, minimizing paperwork and improving coordination across the logistics chain,” ayon kay Nepomuceno.

Ang e-AWB ay malaking tulong para mawala ang mga “bottlenecks” at suportahan ang “smoother, more predictable export operations.”

Noon ngang May 22 ay nagkaroon ng public consultation sa BOC-Ninoy Aquino International Airport para pag-usapan ang implementasyon ng e-AWB.

Dumalo sa nasabing konsultasyon ang mga kinatawan ng Philippine Multimodal Transport Logistics Association, Inc., Airline Operators Council, freight forwarders, airline operators at shippers.

Ang mga taga-BOC NAIA ay pinangunahan nina Deputy Collector Wilnora L. Cawite at Acting Director Ma. Liza T. Sebastian ng Planning and System Development.

“With the Electronic Airway Bill, we aim to remove unnecessary delays and make it easier for stakeholders to move goods efficiently and transparently,” ayon pa kay Commissioner Nepomuceno.

Ang rollout ng e-AWB ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R, Marcos Jr. para mapabilis ang export trade sa bansa.

***

Kamakailan ay naka-intercept ang Bureau of Customs (BOC) ng 200 piraso ng signature pod para sa vape devices sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA).

Nakuha ang mga unregistered signature pods sa luggage ng isang pasaherong taga-South Korea.

Ang kanyang luggage ay nakitaan ng suspicious images nang ito ay idaan sa X-ray screening ng customs examiner.

Pinayagan naman ng pasahero ang customs examiner na buksan ang kanyang luggage.

At inamin naman ng pasahero na hindi niya inilagay sa traveler’s electronic Customs Baggage Declaration Form ang mga ang 200 signature pods.

Sinabi naman ni Port of Cebu District Collector Alexandra Y. Lomuntad na dapat ideklara lahat ng mga dala-dalang regulated goods.

“We remind all travelers to faithfully declare their goods and secure the necessary permits and clearances,” dagdag niya.

***

Dapat bantayang mabuti ang mga pinaggagagawa ng mga senador para masiguro na dadaan sa tamang proseso ang impeachment trial ni Bise Presidente Sara Duterte.

Kung mapatunayang talagang may kasalanan si Inday Sara ay dapat lang na matanggal siya sa puwesto.

Sa tingin ng marami ay gagawin lahat ng mga kapanalig niya na siya ay maabsuwelto para makatakbo siya sa pagka-Presidente sa 2028.

Kaya nga dapat laging vigilant ang taumbayan dahil alam ng kampo ng mga Duterte na mahirap pasinungalingan ang mga bintang sa kanya.

At kailangang humarap siya sa Senado kapag nagsimula na ang impeachment trial proper sa Hulyo 6.

Marami ang nagsasabi na baka hindi magpakita sa Senado si VP Sara.

Kung alam niyang wala siyang kasalanan ay dapat siya mismo ang sumagot sa mga katanungan ng mga prosecutors.

Hindi lang mga kababayan natin ang nag-aabang sa mga mangyayari sa Hulyo 6, ang simula ng trial proper.

Buong mundo ang naghihintay sa mga sasabihin niya sa Senado.

(Para sa inuong komento at pagbati, mag-tezt sa #09178624484/email:philipreyes08@yahoo.com)