Calendar
Ginagawa ng Senado di ba abandonment ng trabaho?
MAGANDANG araw sa ating mga kababayan, lalo na sa mga suki natin sa Japan at iba pang panig ng daigdig.
Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.
Binabati natin sina Ma. Theresa Yasuki, Patricia Coronel, Mama Aki ng Ihawan, Winger dela Cruz, Glenn Raganas, La Dy Pinky, Endo Yumi, , Roana San Jose, Yoshiko Katsumata, Josie Gelo, Hiroki Hayashi, at Hiroshi Katsumata.
Binabati rin natin si Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman; Dolores Monfero, Delia Sunga ng Saudi Arabia.
God bless sa inyong lahat!
***
Isa sa mga nagbibigay ng sakit ng ulo ng mga otoridad, consumers, lehitimong negosyante, magsasaka at mangingisda ay ismagling.
Alam ito ng Bureau of Customs (BOC), na pinamumunuan ni Commissioner Ariel F. Nepomuceno.
Kaya nga higit pang pinaigting ng BOC ang koordinasyon nito sa Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI).
Ang gusto ng BOC, DOJ at NBI ay siguruhing nasa ayos ang mga isasampang kaso laban sa mga ismagler para masigurong kalaboso ang mga ito.
Ang puntirya ng mga ahensyang ito ay mapanagot ang lahat ng mga sangkot sa ismagling, lalo na ang mga “malalaking isda.”
Hindi puwedeng ang mga “small fry” lang ang makukulong.
Ang mga “big fish” ang dapat mabulok sa kulungan para wala ng maglakas loob na magparating sa bansa ng mga kontrabando.
Noong huling Collectors’ Conference ay sinabi ni Commissioner Nepomuceno na dapat mapanagot ang mga malalaking tao at grupo na sangkot sa ismagling .
Ang kailangan talaga ay magtulungan ang lahat ng concerned government agencies dahil mabigat ang laban.
“Hindi naman kayang gawin ito nang nag-iisa. Kailangang magtulungan ang mga ahensya ng gobyerno, lalo na sa pag-imbestiga at pagbuo ng kaso,” ayon kay Nepomuceno.
Ang standing order ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., dapat paigtingin pa ang pagbabantay sa mga border para matigil na ang pagpasok sa bansa ng mga kontrabando.
***
Pinangunahan nina Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno at National Bureau of Investigation (NBI) Director Ruben Matibag ang inspeksyon ng mga kumpiskadong imported agricultural products.
Nagkakahalaga ng mahigit na P35.4 milyon, ang mga kontrabando ay nakaimbak sa isang cold storage facility sa Nueva Ecija.
Karamihan ng mga produktong agrikultura ay galing ng China. Ang iba ay nanggaling ng Holland sa Europa.
Nagkasa ng enforcement operation ang BOC-Intelligence Group (IG) at Customs Investigation and Intelligence Service(CIIS) pagkatapos na makatanggap ng impormasyon galing ng NBI.
Sa cold storage facility ay natagpuan ang 6,088 bags of small yellow onions mula Holland, 1,080 bags of big yellow onions (China), 3,780 bags, big red onions (China), at 12,350 bags, garlic (China).
Noong Mayo 21, isang warrant of seizure and detention (WSD) ang ipinalabas laban sa mga produkto.
Ang enforcement operations ay suporta sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para pangalagaan ang agricultural sektor.
Ito ay para mapaganda ang food security ng Pilipinas.
Patuloy na iniimbestigahan ng NBI ang mga taong nasa likod ng iligal na importasyon ng mga sibuyas.
Nagpapatuloy naman ang internal investigation ng BOC para malaman kung may mga taong taga-ahensya ang sangkot sa “unlawful importation and movement of the goods.”
***
Nakakabahala na ang mga nangyayari ngayon sa Senado.
Tatlong araw ng walang sesyon ang mga senador dahil hindi sumisipot ang mga nasa mayorya.
Hindi natin alam kung ano ang pakay ng mga taga-mayorya sa pangunguna ni Senate President Alan Peter Cayetano.
Ang tanong ngayon ng taumbayan ay ano na ang mangyayari sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte?
Paano na ‘yong mga nakabinbin na trabaho ng mga senador?
Mukhang hindi ito makatarungan sa taumbayan na nagpapasuweldo sa mga senador at iba pang lingkod-bayan.
Hindi ba abandonment ng trabaho ito?
Kahit may separation of powers, baka may magagawa dito si Pangulong Marcos at Korte Suprema.
Para sa komento at pagbati, mag-text sa 0917-8624484/email:philipreyes08@yahoo.com)
