Vic Reyes

Sagot ni VP Sara hinihintay na!

Vic Reyes Jun 10, 2026
136 Views

MAGANDANG araw sa lahat ng ating mambabasa, lalo na sa mga kababayan natin diyan sa Japan.

Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan at kalusugan.

Binabati natin sina Ma. Theresa Yasuki, Patricia Coronel, Aimi Houchii, La Dy Pinky, Chato Coronel, Yoshiko Katsumata, Endo Yumi, Roana San Jose, Hiroki Hayashi, Winger dela Cruz, at si Hiroshi Katsumata.

Ganun din kay Joanne de Guzman at iba pang OFW natin sa Oman at Jess Manuel ng Saudi Arabia.

****

Sa utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., agarang naghatid ng tulong ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno sa mga biktima ng lindol sa Mindanao.

Lunes ng umaga, Hunyo 8, isang malakas na lindol ang yumanig sa maraming parte ng rehiyon.

Maraming gusali, pampubliko at pribado, tulay, irigasyon, kalsada at iba pang infrastructure ang sinira ng 7.8 magnitude na lindol.

Marami ang namatay at nasaktan, kasama na ang mga mag-aaral na nasa mga paaralan dahil opening of classes ang Hunyo 8.

Kaugnay nito, kaagad na inatasan ni Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno ang “all ports of entry for items ready for donation.”

Ito ay ayon kay Deputy Chief of Staff Chris Noel Bendejo.

Sa direktiba ni Commissioner Nepomuceno, agad na isasalin sa government agencies at partner-institutions ang mga kumpiskadong produkto upang agad na maipamahagi sa mga biktima ang mga kumpiskadong produkto na nakaimbak sa mga ports of entry.

Ito’y kinabinilangan ng mga damit, sapatos, tsinelas, school supplies at tents.

Kasama din sa mga ido-donate ng BOC ay mga “multifunctional mobile power supply units.”

“Our goal is to ensure that the people benefit from the forfeited (and confiscated) goods,” ayon kay Commissioner Nepomuceno.

****

Sa kabila ng maraming problemang kinakaharap ng bansa ay patuloy pa rin ang magandang revenue collection performance ng Bureau of Customs (BOC).

Pati Malacanang nga ay pinuri ang performance ng mga opisyal at tauhan ng ahensiya na nasa ilalim ng Department of Finance (DOF).

Ang papuri ng Palasyo s BOC ay kaugnay ng patuloy na pagtaas ng koleksiyon ng ahensiya na umabot ng P406.365 bilyon, mula Enero hanggang Mayo 2026.

Ito ay lampas ng P9.315 bilyon sa target collection nitong P397.05 bilyon para sa unang limang buwan ng taon.

Sa buong taon ng 2026 ay naatasang kumolekta ng P1.003 trilyon ang BOC, ang second top revenue collector ng gobyerno.

Ayon kay Commissioner Nepomuceno, “The more than P9 billion surplus we recorded is proof that when we work together and do our job right, we can contribute significantly to the development of the country,”

Dagdag pa niya,”Every peso collected by the BOC helps fund essential government programs and services that directly benefit the people.”

****

Naniniwala tayo na hindi maaapektuhan ng Senate leadership issue ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Hindi papayagan ng mga senador, lalo na ng mga kakampi ni acting Senate President Win Gatchalian, na ma-distract ang kanilang atensyon.

Kailangang maiharap ang mga ebidensiya sa trial laban sa Bise Presidente para magkaroon ng tamang batayan kung kailangan nga siyang ma-impeach.

Ang mahirap kasi, hanggang ngayon ay hindi pa direktang sinasagot ng kampo ni Inday Sara ang mga paratang laban sa kanya.

Sa halip ay sinisikap lamang nila na ipatigil ang kaso sa pamamagitan ng procedural, teknikal at konstitusyonal na pagtutol, ayon sa House prosecution panel.

Pati ordinaryong Pilipino ay naghihintay na direktang sagutin ni VP Sara ang mga akusasyon laban sa kanya.

Hindi dapat puro pagpapa-dismiss lang ang ginagawa ng mga abogado ng kampo ng bise presidente.

(Para sa inyong komento at pagbati, mag-text sa # 09178624484/email:philipreyes08@yahoo.com.)