Mercado

Mayor ng Laguna nagpasalamat sa tulong ng OVP

184 Views

NAGPASALAMAT si San Pedro, Laguna Mayor Art Joseph Francis Mercado sa tulong na hatid ng Office of the Vice President’s Disaster Operation Center (OVP-DOC) sa mga residente ng kanyang lungsod.

“Nagpapasalamat po ako kay Vice President Inday Sara Duterte sa kanyang tulong para sa lungsod ng San Pedro. I believe ito ‘yung unang city na nabagsakan nila ng tulong na naapektohan ng Typhoon Paeng,” sabi ni Mercado.

Nagdala ang OVP-DOC ng 100 sako ng bigas para sa mga nasalanta ng bagyong Paeng.

“Ma’am Inday, maraming, maraming salamat po. Hindi pa rin siya nakakalimot. In fact, nakasama namin siya before, naghouse-to-house siya rito sa San Pedro. So we’re very, very thankful for your support,” dagdag pa ng alkalde.

Ayon kay San Pedro City Social Welfare and Development Head Maria Fatima Autor nasa 1,211 indibidwal ang nasa anim na evacuation centers.

Ang OVP-DOC ay tinulungan ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP), at Philippine Air Force (PAF).