Bagyong ‘In-fa’ namataan ng PAGASA sa labas ng PAR
Oct 29, 2026
Calendar
Nation
Mga bagong pulis aprub na ng NAPOLCOM
Jun I Legaspi
Oct 11, 2025
467
Views
INAPRUBAN ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang rekrutment ng 6,589 patrolman at patrolwoman sa ilalim ng PNP Attrition Recruitment Program para sa 2025.
Layunin ng programa ang pantay na pagpapalit ng mga tauhang nawala sa serbisyo at pagpapatibay ng police-to-population ratio alinsunod sa RA 6975.
Umabot sa 5,689 slots ang inilaan sa mga Police Regional Office (PRO), habang 900 slot ang nakatalaga sa mga National Support Unit (NSU) gaya ng DEG, HSS, EOD-K9, CES, AKG, CIDG, IMEG at SAF.
Prayoridad ang mga aplikanteng may kaalaman sa ICT upang suportahan ang makabagong pamamaraan ng pagpupulis.
Lahat ng rekrut ay sasailalim sa Field Training Program at itatalaga sa mga units na kailangan ng dagdag na tao.
Bagyong ‘In-fa’ namataan ng PAGASA sa labas ng PAR
Oct 29, 2026
PIRMAHAN NG DOKUMENTO PARA SA PAGLUNSAD NG SENATE TV
Oct 28, 2026
PAGASA: Simula na amihan
Oct 28, 2026
Utang ng bansa inaasahang lolobo pa sa 2027
Oct 27, 2026

