Nando1

Mga parte ng Luzon inilagay sa Signal Nos. 1, 2, 3 dahil kay ‘Nando’

576 Views

UMABOT na sa kategoryang Super Typhoon si ‘Nando’ matapos na mapanatili nito ang lakas habang kumikilos sa kanlurang hilagang-kanluran sa Philippine Sea nitong Linggo ng hapon, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Ayon sa Pagasa, alas- 4 ng hapon, namataan ang sentro ng Super Typhoon Nando sa layong 450 km Silangan ng Aparri, Cagayan. Ito ay may maximum sustained winds na 185 km/h malapit sa gitna, at pagbugsong aabot sa 230 km/h.

Itinaas na ang Signal No.3 sa southern portion ng Batanes (Mahatao, Uyugan, Basco, Ivana, Sabtang), Babuyan Islands, at northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana).

Signal No.2 naman sa ilang bahagi ng Batanes, Cagayan, Isabela (San Mariano, Ilagan City, Tumauini, Cabagan, Palanan, Divilacan, Maconacon, San Pablo, Santa Maria, Santo Tomas, Delfin Albano, Quezon, Quirino, Mallig, Roxas, Gamu), Apayao, Abra, Kalinga, eastern portion ng Mountain Province (Paracelis), Ilocos Norte, at northern portion ng Ilocos Sur (Cabugao, Sinait, San Juan, Magsingal, Santo Domingo, Bantay, San Ildefonso, San Vicente, Santa Catalina, City of Vigan, Cagayan, Santa, Nagbukel, Narvacan, Santa Maria) at Signal no. 1 sa natitirang lugar sa Luzon.

Sinabi ng Pagasa, ang pinakamataas na Wind Signal na maaaring itaas sa buong pagdaan ng Nando ay Wind Signal No. 5.

Ang Southwest Monsoon o Habagat at ang trough ni Nando ay magdadala ng malakas na bugso ng hangin sa mga nasabing lugar lalo na sa mga baybayin at kabundukan na lantad sa hangin.