Brannon

MWP na mag-utol timbog

661 Views

KAPWA inaresto ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang magkapatid na suspek sa tangkang pagpatay matapos ang halos 3 taon na ang nakakaraan matapos isilbi ang arrest warrant sa Ermita, Maynila, Martes ng gabi.

Dahil sa asunto, tig-P30,000 bawat isa ang piyansang inilaan sa magkapatid na suspek na nakilalang sina Cezar Nayangga, 55, construction worker at Jomar, 27, tricycle driver, kapwa residente ng Alhambra Street Ermita.

Base sa ulat ni P/Lt. Col. Dionelle Brannon, commander ng MPD-Ermita Police Station 5, bandang alas-6:30 ng gabi nang bitbitin ang mag-utol sa kahabaan ng Alhambra St. sa Ermita.

Nabatid sa report ng pulisya na pinangunahan nina P/Lt. Jherico Pascual, hepe ng Warrant and Subpoena Section at P/Lt. Veronica Apresurado, hepe ng Intelligence Unit, kasama ang ilang operatiba nang masakote ang dalawa sa magkahiwalay na papel ng pag-aresto sa tulong ng impormante.

Dito na ipinakita ang warrant of arrest na inisyu ni Hon. Judge Ihmie Mitchico Gacad-Presto ng Manila MTC Br. 5 dahil sa kasong attempted homicide na may petsang Setyembre 10, 2019.

Hindi naman na pumalag o nanlaban ang magkapatid nang pinosasan na ng mga kapulisan.

Napag-alaman na ang magkapatid ay nasa talaan ng most wanted person (MWP) sa lungsod ng Maynila.