Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan
Nov 2, 2026
Dating Abucay mayor pumanaw noong Undas
Nov 2, 2026
Calendar
Provincial
Nahulog sa bundok, tigok
Bernard Galang
Mar 1, 2026
570
Views
SUBIC, Zambales–Patay ang 36-anyos na mountaineer sa Pampanga matapos mahulog sa mabundok na lugar sa Sitio Martin, Brgy. Cawag, Subic, Zambales noong Pebrero 28.
Sa ulat kay Police Regional Office (PRO)-3 director Brig. Gen. Jess Mendez, kinilala ang biktima na si Eric, 36.
Nakatanggap ang pulisya ng tawag mula kay John Carlo Ramos, municipal tourism officer ng Subic, na nagpaalam na may mountaineer ang nahulog sa Sitio Martin bandang ala-1:00 ng madaling-araw.
Rumesponde sa lugar ang rescue team mula sa Subic Public Order and Safety Office (SPOSO) at idineklarang patay na ang nahulog.
Inaalam ng mga awtoridad ang iba pang detalye upang matukoy kung ano ang nangyari kaya nahulog ang biktima.
Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan
Nov 2, 2026
Dating Abucay mayor pumanaw noong Undas
Nov 2, 2026
