Nahulog sa tower, patay

Bernard Galang Apr 23, 2026
35 Views

CABANGAN, Zambales–Patay ang isang 25-anyos na lineman matapos mahulog sa tuktok ng transmission tower sa Sitio Dusok, Brgy. Anonang noong Martes.

Sa ulat kay Police Regional Office 3 director Brig. Gen. Jess Mendez, kinilala ng pulisya ang biktima na si Franklin Tarucan.

Iniulat ang pagkahulog ng biktima ni Antonio Torralba mula sa tower habang nagtatrabaho sa Tower 75 ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Ayon sa ulat, pababa na ang biktima ng biglang maputol ang insulator kung saan nakakabit ang kanyang safety harness, dahilan upang siya ay mahulog.

Isinugod ng kanyang katrabaho na si Jovan Saromines ang biktima sa Cabangan Birthing Clinic ngunit idineklara itong dead- on-arrival.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang iba pang detalye ng insidente.