Palayan Nilibot ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang kumpletong bahagi ng mga residential buildings at mga amenities sa kanyang pagbisita sa Brgy. Atate, Palayan City. Kasama ni Pangulo si Sec. Jose Ramon Aliling ng DHSUD, Palayan City Mayor Viandrei Nicole J. Cuevas, Bong Cuevas III at Nueva Ecija Rep. Julius Cesar Vergara.

Palayan City Township Project binisita ni PBBM

Steve A. Gosuico Apr 23, 2026
37 Views

PicPic1Pic2Pic3Pic4Pic5LUNGSOD NG PALAYAN–Binisita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong Huwebes ang Palayan City Township Project (PCTP) upang makita ang mga programa sa pag-unlad ng kanyang administrasyon sa ilalim ng Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH).

Nakasama ng Pangulo ang kalihim ng Department of Human Settlements and Urban Development na si Jose Ramon Aliling, Palayan City Mayor Viandrei Nicole “Vianne” Cuevas, Bong Cuevas III at Rep. Julius Cesar “Jay” Vergara.

Binisita ng Pangulo ang ilang housing units upang tingnan ang mga aktwal na espasyong inihanda para sa mga susunod na benepisyaryo.

Ininspeksyon din ni Pangulong Marcos Jr. ang mga amenities ng proyekto, kabilang ang central park at clubhouse.

Nagpasalamat kay Pangulong Marcos si Alexander Punzal, 55, dahil sa napakagandang proyektong pabahay para sa mga gurong katulad niya.

Ang isa pang may-ari ng bahay– si Joshua Mangulabnan, 33, ng Brgy. Niyugan, Jaen, Nueva Ecija ay tuwang-tuwa dahil sa madaling pag-apruba sa mga katulad niyang aplikante sa pabahay.

“Mabilis i-award, no hassles, madaling lumipat, 2 weeks lang turn-over na ang unit. Tapos ang ganda ng amenities. Dahil nature lover ako, ayun nagustuhan ko dito pa-jogging-jogging sa paligid ng nature,” sabi ng may-ari.

Umamin din si Angel Serrano, solo parent, sulit na mamuhay nang tahimik at napaka-angkop na simulan ang buhay para sa isang batang pamilya na mayroon siya.

“Ang sulit nga po dahil P4,000 monthly lang hulog ko for 30 years,” sabi niya.

Sinabi ni Mayor Cuevas na nananatiling bukas ang proyekto sa mga kwalipikadong aplikante.

Ayon kay Sec. Aliling, ang pag-unlad ng PCTP ay sumasalamin sa pangako ng administrasyong PBBM na maghatid hindi lamang ng mga pabahay, kundi ng mga kumpleto at matitirahan na komunidad.

“Tatlong taon mula nang simulan itong proyekto, malinaw na ang direksyon–unti-unti ng nabubuo ang komunidad at nakikita na natin ang tunay na bunga ng programa. Hindi lang ito pabahay. Ito ay pagbubuo ng komunidad kung saan may dignidad, seguridad, at pag-asa ang bawat pamilyang Pilipino,” ani Aliling.