BPPO

Natatanging yunit, hepe ng BPPO pinarangalan

107 Views

BPPO1Batangas2Lian1KAMPO HENERAL MALVAR, Lungsod ng Batangas — Kinilala at pinarangalan ng Batangas Police Provincial Office (BPPO) ang mga natatanging yunit at hepe sa ginanap na tradisyonal na seremonya ng pagtaas ng watawat at gawad-parangal dito noong Lunes, Oktubre 5, 2026.

Sa pangunguna ni Provincial Director PCol. Oliver Ebora, ibinida ang mga nagwagi sa pinakahuling Unit Performance Evaluation Rating (UPER) na nagpakita ng tindi ng dedikasyon at husay sa operasyon.

Nasungkit ang Certificates of Recognition nina PLTCol. Ira A. Morello, hepe ng Batangas Component City Police Station, PLTCol. Merlin C. Pineda, hepe ng Bauan Municipal Police Station, at ang pinuno San Luis MPS, PMaj. Garry A. Abregunda.

Sa kanyang maigting na mensahe, hinimok ni PCol. Ebora ang buong pwersa na panatilihin ang mataas na pamantayan ng disiplina at taos-pusong paglilingkod.

“Upang makamit ang mga bagay na hindi pa natin naaabot, kailangan nating maging handang gawin ang mga bagay na hindi pa natin nagagawa noon. Mag-isip nang malikhain at labas sa nakasanayan,” pagdidiin pa ni PCol. Ebora.

Isang espirituwal na mensahe mula kay Pastor Ephraim T. Segovia ang isinagawa, na nagpaalalang ihandog ang tapat na serbisyo sa Diyos, sa bayan, at sa sambayanang Pilipino.

Sa kabuuan, nananatiling matatag ang Batangas PPO sa pagtataguyod ng kultura ng kahusayan para sa mas mabilis, tapat, at maaasahang serbisyo sa buong lalawigan!