Calendar
1,158 Indibidwal sa iba’t-ibang kaso nadakma sa CALABARZON
KAMPO VICENTE LIM, Calamba City–Todo-ganti ang mga alagad ng batas matapos masakote ang 1,158 indibidwal sa sunod-sunod na madugo at mabilis na operasyon sa buong rehiyon ng CALABARZON mula September 28 hanggang October 4, 2026.
Ito ang matinding resulta ng pinalakas na kampanyang B.E.S.T. (Be Visible, Engage Immediately, Serve Together, and Transform Trust) ng Police Regional Office 4A (PRO 4A), alinsunod sa direktiba ng liderato ng PNP.
Pumalo sa 933 katao ang nadakma sa 416 operasyon kontra sa illegal gambling at nasamsam ang aabot sa ₱127,381 na bet money, habang nakatikim na ng kaukulang kaso ang 71 sa kanila.
Samantala, hindi rin pinalampas ng Tracker Teams ng PRO 4A ang mga takas sa batas.
Nasa kabuuang 225 na wanted persons ang nadakip, kasama ang 89 Most Wanted Persons (MWPs) at 136 na iba pang mga wanted.
Binitbit sa presinto ang mga suspek na may patong-patong na mabibigat na kaso tulad ng Paglabag sa RA 9165 o ang Dangerous Drugs Act, Rape at Sexual Assault, Acts of Lasciviousness, Qualified Theft at iba pa.
Matigas ang banta ni PRO 4A Regional Director PBGen. Dominic L Baccay sa mga sindikato at kriminal. Kasalukuyang nakakulong ang mga naarestong suspek habang inihahanda ang agarang pagsasampa ng kaukulang patong-patong na kaso sa korte.

