Calendar
Isinalaysay ni NBI Director Jaime Santiago ang ginawang operasyon ng mga ahente ng NBI kasama ang BIR kaugnay sa mga imported na sigarilyo sa Nueva Ecija. JONJON REYES
NBI, BIR kinumpiska P870K imported yosi sa N. Ecija
NASAMSAM ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Tarlac District Office (NBI-TARDO) kasama ang mga tauhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang malaking volume ng mga imported na sigarilyo na nagkakahalaga ng P870,000 sa Nueva Ecija noong Martes.
Sinamsam ang mga kontrabando sa tulong ng warrant para sa lugar at mga sasakyan na pagmamay-ari ni Jonifer Lajom ng Putot, Concepcion East, Zaragosa, Nueva Ecija.
Paglabag sa National Internal Revenue Code ang kaso ng may-ari ng lugar na nakuhahan ng kontrabando.
Ang operasyon ay nagresulta sa pagkakasamsam ng 58 kahon ng iba’t-ibang tatak ng mga imported na sigarilyo na may tinatayang halagang P870,000.
Wala sa lugar ang suspek sa operasyon ngunit isang Marcela Lajom ang naimbitahan sa opisina ng NBI-TARDO para sa kanyang pagkakakilanlan.

