Calendar
NBI nakumpisak P4.6M LPG tanks, GI pipes, AquaFlask
NASAMSAM ng National Bureau of Investigation-Intellectual Property Rights Division (NBI-IPRD) noong Sept, 8, 14 at 15 sa NCR at Iloilo City ang mga pekeng liquefied petroleum gas (LPG), AquaFlask at mga galvanized iron (GI) na nagkakahalaga ng mahigit P4.6 milyon.
Ipinatupad ng NBI-IPRD ang mga search warrant sa Taguig na nagresulta sa pagkumpiska ng 12 tangke ng LPG na may tatak na Island Gas at M-Gas, isang tangkeng 11 kilos, 18 timbangan para sa pag-refill, isang timbangan, isang LPG compressor at mga gamit pang-opisina na may tinatayang halaga na P2,000,000.
Ang operasyon noong Setyembre nagresulta sa pagkumpiska ng 1,018 ng mga AquaFlask na may iba’t-ibang disenyo at laki na tinatayang nagkakahalaga ng P210,440.
Ang operasyon ng NBI-IPRD noong Setyembre 15 sa apat na lokasyon sa Iloilo City ay nagresulta sa pagbawi ng 742 piraso ng mga substandard na GI pipes na may tinatayang halaga na P1,484,000.
Ang kabuuang halaga ng mga produktong nakumpiska mula sa tatlong operasyon ay nagkakahalaga ng P4,694,440.
Ipinaaalala ni NBI Director Atty. Melvin Matibag sa publiko na ang mga pekeng produkto ay nagdudulot ng seryosong panganib sa kaligtasan ng mga gumagamit nito.
Ang trademark infringement o hindi awtorisado sa paggamit ng rehistradong trademark ay paglabag sa Republic Act No. 8293 (Intellectual Property Code of the Philippines).
Ang pagbebenta at paggamit ng substandard na bakal ay may parusa sa ilalim ng RA 7394 (Consumer Act of the Philippines).

