NDA

NDA: Govt subsidy ramdam sa pagsipa ng milk, herd production

Cory Martinez Aug 28, 2025
252 Views

PATULOY ang lakas ng sipa ng dairy sector ng bansa matapos isiwalat ng National Dairy Authority (NDA) na humataw sa 18.16 million liters ang milk production sa second quarter ng 2025, mas mataas ng 11.4% sa 16.30 million liters na nakalap sa parehong period noong 2024.

Sa figure na ‘yon, 14.72 million liters ang galing sa NDA-assisted and monitored areas, mas mataas ng 11.9% kumpara sa nakaraang tao. Ang natitirang 3.44 million liters, na-produce ng walang assistance ng NDA, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Mga baka pa rin ang main source ng gatas at humataw sa 10.98 million liters o 60.4% ng total milk output ng bansa at sumunod ang mga kambing na umabot sa 2.14 million liters (11.8%) ang na-produce na gatas.

Ang Philippine Carabao Center (PCC) nagsiwalat ng 2.64 million liters ng milk na na-produce na kumakatawan sa 14.5% ng national milk production.

Sa national dairy herd production, tumaas ng 166,411 ang na-produce as of June 2025. mas mataas ito ng 16.4% kumpara sa 154,252 heads noong June 2024.

Nasa 37,369 ang dairy cattle, 89,907 carabaos at 39,035 goats ang total breakdown ng herd production ng Pilipinas sa period na nabanggit.

Ayon kay NDA Administrator Atty. Marcus Antonius Andaya, patunay ang pagtaas sa milk at herd production sa walang puknat na government subsidy sa mga nag-aalaga ng hayop.

“The steady growth in both milk output and dairy herd shows that our current programs are bearing fruit.

By expanding the herd and improving productivity at the farm level, we are creating more opportunities for our dairy farmers and increasing the availability of fresh, local milk for Filipino families,” sabi ni Andaya.