Laguna Ipinaliwanag ni PLT. Col Jojo Sabeniano na layunin sa mga gumagamit ng motorsiklo ang kaligtasan ng bawat isang gumagamit ng single motorcycle. GIL AMAN

No helmet, no travel policy sa Sta Cruz, Laguna simula Enero 12

Gil Aman Jan 7, 2026
291 Views

Sta Cruz,Laguna — Maghihigpit ang pamunuan ng Sta Cruz Police Station lalo na sa mga gumagamit ng single motorcycle sa i-implement ang “no helmet, no travel policy.”

Ito ay alinsunod sa Republic Act. No 10054 (Motorcycle Helmet Act of 2009).

Ipatutupad ng pamunuan ng pulisya sa ilalim ni PLT Col. Jojo Sabeniano, hepe ng Sta Cruz Police Statio, ang kautusan sa lahat ng nagmamaneho at sakay ng motorsiklo na magsuot ng standard at aprubadong helmet.

Ang pagsusuot ng helmet, ay bahagi upang makaiwas sa hindi inaasahang aksidente.

Ang mga mahuhuli sa unang paglabag ay magbabayad ng multa na P1,000, sa pangalawang paglabag P2,000 at sa pangatlong paglabag P2,50

Simula sa Enero 12, 2026 ang isasagawang pagpapatupad ng No Helmet Policy sa Sta Cruz, Laguna.