Pagtaas ng tax-exempt baseline isinusulong
Jun 5, 2026
Calendar
Namahagi ng tulong pang gasolina para sa mga TODA members at boat owners ang alkalde at bise alkalde ng Noveleta, Cavite noong Abril 24.
Provincial
Noveleta TODA members, bangkero nakatanggap ng ayuda
Dennis Abrina
Apr 24, 2026
104
Views

NOVELETA, CAVITE–Namahagi ng tig-P500 na tulong pang gasolina sa mga Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) at boat owners sina Mayor Davey Chua at Vice Mayor Dino Chua noong Abril 24, 2026 sa bagong municipal hall lobby sa Brgy. Poblacion dito.
Natulungan ang 1,006 TODA members at 118 na bangkero.
Dahil sa kanyang pagtitipid, naka-bike lang papasok sa opisina ang alkalde. Namahagi din siya ng 5 kilong bigas sa bawat TODA member at bangkero.
Namahagi din ng gas subsidy ang tanggapan ni Congressman Jolo Revilla sa 4,947 tricycle drivers mula sa Rosario, Noveleta, Kawit at Cavite City.
Suspek sa qualified theft tiklo sa Cabuyao
Jun 4, 2026
TULONG MULA KAY KONSEHAL ARTHUR BLANCO
Jun 3, 2026

