Parak

Hepe ng parak sa PRO 4A nagpalitan

24 Views

Parak1

KAMPO VICENTE LIM, CALAMBA CITY–Nagkaroon ng palitan ng mga chief of police sa Police Regional Office 4A bilang bahagi ng Personnel Management at Professional Career Development.

Tiniyak ni PBGen. Hansel Marantan, PRO 4A director, ang maayos at epektibong pamamahala sa mga chiefs of police sa rehiyon.

Isinagawa ang palitan ng mga hepe bilang bahagi ng regular na proseso ng organisasyon at isang hakbang sa pamamahala ng tauhan na naglalayong isulong ang professional growth at career development ng mga opisyal ng kapulisan.

Ang layunin ay mabigyan ang mga opisyal ng mas malawak na oportunidad upang higit a mapahusay ang kanilang kakayahan sa mga police operations, investigations at community relations.

Ang realignment ng mga opisyal ay isang estratehikong hakbang upang lalo pang mapalakas ang paninindigan sa seguridad at mapataas ang antas ng paglilingkod sa mga mamamayan.