Rep. Oducado

Oducado iminumungkahi pagpapalakas sa responce team para sa OFWs sa Israel, Iran

Mar Rodriguez Jun 27, 2025
363 Views

IMINUMUNGKAHI ni incoming 1-TAHANAN Party List Representative Nathaniel “Atty. Nat” Oducado sa pamahalaan ang paglalatag nito ng mga konkretong hakbang para tiyakin na magiging ligtas ang ikakasang repatriation ng tinatayang 30,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) at Overseas Filipinos (OFs) sa Israel at Iran.

Ang ilan sa mga inilatag na panukala ni Oducado sa panayam ng People’s Taliba ay ang pagpapalakas ng responce team sa Israel at Iran upang matiyak ng Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na hindi magiging “collateral damage” ng nangyayaring giyera ang mga OFWs.

Bukod dito, sinabi din ng baguhang kongresista na napakahalaga din na magkaroon ng klarong protocol at communication ang pamahalaan sa dalawang nasabing bansa upang magig maayos at organisado ang gagawing repatriation ng mga Pilipinong manggagawa.

“Unang-una po ay dapat palakasin ang ating mga responce team sa mga bansang ito para matiyak na walang OFWs ang madadamay o kaya’y magiging collateral damage. Dapat din na magkaroon ng protocol at communications sa mga bansang ito,” wika ng mambabatas.

Sinabi pa ni Oducado na kinakailangan din na paigtingin ng gobyerno ang paghahanap o pag-locate sa mga undocumented OFWs kung saan tumuntong sila ng Israel at Iran nang walang kaukulang dokumento o kaya’y sa pamamagitan ng illegal recruitment.

Ayon sa mambabatas, sa pinakabagong datos ng Department of Foreign Affairs Affairs (DFA). Nasa 311 OFWs lamang ang nag-request na ma-repatriate kung ikukumpara sa bilang ng mga Pilipinong manggagawa sa dalawang nasabing bansa na nasa humigit kumulang 1% lamang ang kanilang total population.

Idinagdag pa ni Oducado na hinihiling din nito sa DMW at OWWA na dapat nilang paghandaan ang paglalagay ng mga personnel sa mga evacuation centers kasunod ang pagtitiyak ng safe evacuation routes kasama na dito ang mga medical materials.