Oducado

Oducado inihain sodium reformulation bill

Mar Rodriguez Aug 5, 2025
255 Views

Oducado1Oducado2PARA kay neophyte 1-TAHANAN Party List Rep. Nathaniel “Atty. Nat” M. Oducado: “health is wealth”.

Kaya naman isinulong ni Oducado ang House Bill No. 2661 sa Kamara de Representantes na naglalayong unti-unting mabawasan ang sodium content sa mga pre-packaged food products katulad ng mga de lata, cereals, sandwich spread, tsitsiria at iba pa.

Ipinaliwanag ng kongresista na hangad nito na maiwasan ang paglaganap ng sakit mula sa mga nabanggit na pagkain dulot ng “unhealthy lifestyle” ng ilang Pilipino dahil sa pagkahumaling nila sa mga pagkaing mataas ang sodium content.

Binigyang diin nito na ang ilan sa mga sakit na maaaring makuha mula sa mga pagkaing mataas ang sodium content ay ang hypertension o sakit sa puso at chronic kidney disease (sakit sa atay) kung saan maraming Pilipino ang may ganitong karamdaman.

Ayon kay Oducado, hindi lamang layunin ng panukala ang bawasan ang salt content sa mga pre-packaged foods. Bagkos, mas hangarin nito na iligtas ang buhay ng maraming Pilipino na nagkakasakit ng hypertension at kidney disease.

Ikinababahala din ni Oducado na marami sa ating mga kababayan ang walang sapat na kaalaman tungkol sa pagkaing kinokonsumo nila. Kaya may ilan ang nagkakasakit ng hypertension at kidney disease na maituturing na “silent killer”.

Sinabi pa ng mambabatas na sa pamamagitan ng reformulation ng sodium levels na nakapaloob sa House Bill No. 2661. Hinihikayat dito ang mga food manufacturers na gumawa ng mga pagkaing healthy na hindi naman makaka-apekto sa tradisyunal na lasa ng kanilang produkto at hindi naman masasakripisyo ang presyo nito.

“The bill aims to encourage manufacturers to create healthier options without sacrificing taste or affordability,” wika ni Oducado.