Calendar
Oducado nagpasalamat kay Romualdez, nagpahayag ng tiwala kay Speaker Dy
NAGPASALAMAT si 1Tahanan Party-list Rep. Nathaniel Oducado kay dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez para sa kanyang tapat na serbisyo at matatag na pamumuno sa Kamara de Representantes.
Pinuri ni Oducado ang mga nagawa ni Romualdez, at sinabing ang kanyang paggabay ay nag-iwan ng pangmatagalang epekto sa Kongreso at sa buhay ng mga Pilipino.
“The greatest act of leadership is letting go with grace and honor. From his words, I sincerely thank former Speaker Romualdez for steering the House during challenging times and for championing measures that uplift our people,” ani Oducado.
Kasabay nito, malugod ding tinanggap ng mambabatas ang pagkakahalal kay Speaker Faustino “Bojie” Dy III, na kilala sa kanyang pagpapakumbaba.
Ipinahayag niya ang buong tiwala sa kakayahan ni Speaker Dy na isulong ang kapakanan ng mga Pilipino.
“I believe Speaker Dy will continue to strengthen the House of Representatives and ensure that the interests of Filipinos are always prioritized. His leadership will give our people renewed hope for a better life,” dagdag ni Oducado.
Tiniyak ng mambabatas mula 1Tahanan ang kanyang suporta sa bagong Speaker habang nagpapatuloy ang Kongreso sa kanilang mga gawain.

