Seller

ONLINE SELLER PINAGB*B*RIL NG EX NG GF, TS*GI

Christian Supnad Nov 21, 2026
159 Views

VIGAN CITY, Ilocos Sur — Patay ang isang 35-year-old online seller matapos pagbabarilin umano sa loob ng bahay ng girlfriend sa Barangay Pong-ol, Vigan City, Ilocos Sur, Biyernes ng gabi.

Ang biktima ay nakilalang si alyas Carlos, residente ng Cuancabal, Cabugao.

Ang suspek ay dating nobyo umano ng kasintahan ng biktima.

Base sa inisyal na police report, ang suspek ay nakilalang si alyas Dionisio, 35, magsasaka na tubong Sta. Teresita, Cagayan, at kasalukuyang nakatira sa Barangay Don Lorenzo Querubin, Caoayan, Ilocos Sur.

Sinabi rin sa inisyal na police report na nasa bahay ng kanyang nobya ang biktima nang biglang pumasok ang suspek.

Bumunot umano ng baril ang suspek at pinagbabaril sa ulo at katawan ang biktima.

Dali-daling tumakas ang suspek.

Ang biktima ay dineklarang nasawi sa Ilocos Sur Provincial Hospital–Gabriela Silang.