Suspek Iniharap ni P/Lt. Ferdinand Omli ang suspek kay Police Lieutenant Col. Francis Balais, hepe ng Delpan Police Station 12 ng MPD, matapos maaresto dahil sa pagnanakaw. JONJON C. REYES

Online seller pinagbintangang manloloko, arestado sa Tondo

Jon-jon Reyes Aug 21, 2025
384 Views

NAARESTO ng mga pulis ng Manila Police District-Delpan Police Station 12 ang lalaking online seller at pinaniniwalaang scammer na nahaharap sa kasong 5 counts ng pagnanakaw noong Huwebes sa St. Peter St., Brgy 14 sa Tondo, Manila.

Kinilala ang suspek na si alyas Raqueno, 24 binata. Inireklamo ng mga guro na na nabiktima ng suspek na ginamit ng suspek ang kanyang FB fanpage sa panloloko.

Ayon sa report ni Police Lieutenant Colonel Francis Balais, commander ng MPD Delpan PS 12, bandang ala-1:30 ng madaling araw nahuli ang suspek sa pamumuno ni P/Lt. Ferdinand Omli sa tulong ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Dennis Mendoza, acting Presiding Judge ng Regional Trial Court 23 ng Manila.

Nahaharap sa kasong 5 counts ng robbery ang suspek, ayon sa report.