OTS

OTS nag-audit sa Bataan Transit Co.

Jun I Legaspi Nov 24, 2025
230 Views

NAGSASAGAWA ng security audit ang Office for Transportation Security (OTS) sa operasyon ng Bataan Transit Co., Inc. sa Pampanga kabilang ang mga operasyon nito sa Jose Abad Santos Avenue, Dolores, at San Fernando, simula pa noong Nob. 17.

Layunin ng audit na matiyak ang maayos na pagpapatupad sa seguridad sa lupa ng mga bus operator, bilang pagsuporta sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na palakasin ang seguridad ng sistemang pangtransportasyon sa bansa.

Pinangunahan nina Leah Dela Cruz, kasama sina Eiji Xris Chavez at Lovell Jeff Fernandez, ang mga OTS Land Transportation Security Auditors na nakipagpulong sa pamunuan ng bus operator upang talakayin ang mga layunin ng audit.

Nakausap ng audit team ang mga empleyado ng kumpanya upang suriin ang kanilang kaalaman sa mga security procedures, tukuyin ang mga posibleng kakulangan at beripikahin ang pagsunod nila sa OTS-approved security plan.

Natapos ang security audit noong Nob. 21.