Calendar
Col. Marites Salvadora, Bataan police director.
P11.82B koleksyon ng Port of Limay
LIMAY, Bataan–Ang Port of Limay ay nakakolekta ng P11.82 bilyon noong June, ang pangatlong pinakamataas na revenue collection district, ayon kay District Collector Atty. Kriden Balgomera.
Noong Biyernes nagkaroon ng Stakeholders’ Appreciation and Recognition” sa 18th anniversary ng Bureau of Customs-Port of Limay na dinaluhan ng iba’t-ibang opisyal ng gobyerno at mga investors.
“Isang karangalan po para sa atin na maimbitahan sa Stakeholders Recognition Day ng Bureau of Customs Port of Limay.
Taos puso po nating binabati ang pamunuan ng Bureau of Customs, sa pangunguna ng kinatawan ni District Collector Atty. Kriden Balgomera, sa kanilang kahanga-hangang tagumpay bilang ika-3 pinakamataas na revenue collection district sa buong bansa,” anang Port of Limay.
Sinabi ni Collector Balgomera na ang tagumpay na ito ay bunga ng matibay na pagtutulungan ng Bureau of Customs, mga locators, investors, AFAB, economic zones, PNP at iba pang stakeholders sa Limay at sa buong Bataan.
“Malaki ang kanilang ambag sa pagpapalakas ng ating ekonomiya, paglikha ng mga trabaho, at pagsusulong ng pambansang kaunlaran.
Makaaasa po kayo na ang Limay ay mananatiling katuwang ninyo sa pagpapaigting ng koordinasyon at pagkakaisa,” dagdag ni Atty. Balgomera.
Kabilang sa mga panauhin sina AFAB administrator at CEO Hussein Pangandaman, Mayor Richie Jason David; at P/

