Calendar
P14.6B utang ng sinundang liderato, binalikat ng admin ni Mayor Isko
INIULAT ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na nagbalik na ang tiwala ng publiko at negosyante,, isang taon, matapos niyang maupo bilang Ama ng Lungsod ng Maynila.
Sa kanyag State of the City Address (SOCA), binanggit ng alkalde na binalikat niya ang P14.6 bilyong utang ng nakaraang administrasyon, kabilang dito ang hindi nabayarang serbisyo ng garbage contractor at mga utility providers, pati na ang kakulangan ng pondo ng lungsod.
“Pero malinaw sa atin ito: we did not inherit excuses, we inherited obligations. And through disciplined fiscal management, we turned debt into stability, and stability into better service for every Manilans,” pahayag ni Mayor Isko.
Sa kabila aniya nito, nagawa niyang mai-angat sa 332 porsiyento sa loob ng isang taon ang business registration at 105% ang business renewals, pati na ang paglago ng pribadong pamumuhunan sa mga proyektong inaprobahan ng Office of the Building Official na umabot sa P9.3 bilyon mula sa dating P2.7 bilyon sa tatlong taong panunungkulan ng dating administrasyon.
“Cities do not rise on resources alone; they rise on trust. And when Manila regained the trust of its people and its partners, it regained its future,” sabi ng alkalde.
Sa ngayon aniya, aabot na lamang sa P6.8 bilyon ang utang ng Maynila matapos niyang mabayarn ang P7.8 bilyong obligasyon habang bayad na rin aniya ang P307 milyong utang sa mga utility providers, kabilang ang Meralco, Maynilad, at Manila Water.
Bukod sa mga nabayarang utang at paglago ng kita ng lokal na pamahalaan, ibinida rin ni Mayor Isko ang resulta ng kanyang programang “Bilis Kilos 2.0” na naka-angkla sa kanyang pangunahing layunin na isulong ang MBN o ang minimum basic needs, kabilang dito ang edukasyon, kalusugan, pabahay, at trabaho o pangkabuhayan.
“Our aspiration to Make Manila Great Again begins with healthier children, better schools, decent homes, and quality healthcare for every Manilan family. Manila is no longer fighting for survival; Manila is now fighting for a better future. Manila is moving forward to make the capital city Great Again,” pahayag pa ng alkalde.

