Calendar
P19B budget para sa ’26 Brgy., SK polls kinuwestyon ni Gatchalian
HININGAN ni Senate President Sherwin Gatchalian ng paliwanag ang Commission on Elections (Comelec) tungkol sa P19 bilyong inilaan para sa 2026 Barangay and Sangguniang Kabataan elections na para sa kanya halos doble sa karaniwang halaga ng isang election cycle.
Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na kabilang sa mga dahilan ng mas mataas na pondo ang pagdami ng mga botante at presinto, mas mataas na honoraria para sa mga guro, karagdagang miyembro ng electoral boards at support staff at mas maraming kailangang i-print na balota at iba pang election forms.
Nagtanong ang senador sa pagdinig ng Senate Committee on Local Government sa mga panukalang ipagpaliban ang BSKE sa Nobyembre 2026 at itakda ang termino ng mga opisyal ng barangay at SK.
Tinanong din ni Gatchalian kung ano ang mangyayari sa mga balota at accountable forms na naimprenta na sakaling aprubahan ng Kongreso ang mga panukalang ipagpaliban ang halalan o pahabain ang termino ng mga opisyal ng barangay at SK.
Maaari pa ring gamitin sa susunod na halalan ang mga naimprentang materyales kung pahihintulutan ito sa pamamagitan ng isang Comelec en banc resolution.

