Magsasaka, ‘nag-sideline’ sa droga, boga
Oct 30, 2026
Calendar
Source: File photo
Provincial
P600K shabu nakuha sa drug suspek
Gil Aman
Dec 21, 2025
614
Views
NASA P600,000 na halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang drug suspek sa buy-bust sa Phase 5, Parkland Subdivision, Brgy. San Francisco Gen. Trias Cavite noong Biyernes.
Isinagawa ng magkasanib na operatiba ng Regional Provincial Unit-4A, PIU Cavite at PDEA-4A ang pag-aresto sa suspek na kinilalang si alyas Adam.
Nabawi mula sa suspek ang 100 gramo ng shabu na may standard price na P600,000.
Ang nabawing shabu ay nakalagay sa 2 transparent plastic sachets, ayon sa report.
Paglabag sa RA 9165 ang kasong kakaharapin ng suspek, ayon sa mga pulis.
Magsasaka, ‘nag-sideline’ sa droga, boga
Oct 30, 2026
Laguna gov tututukan infra projects
Oct 29, 2026

