Collab ng BPPO, 7SAB pinalakas
Jul 10, 2026
Rape suspek, nakorner ng mga parak sa parking lot
Jul 10, 2026
Calendar
Provincial
P672k halaga ng marijuana naharang sa Clark
Peoples Taliba Editor
Oct 30, 2022
450
Views
NAHARANG ng mga tauhan ng Bureau of Customs–Port of Clark at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 448 gramo ng Kush marijuana na nagkakahalaga ng P672,000.
Ayon sa BOC dumating ang shipment noong Setyembre 26 mula sa Quebec, Canada, at idineklara na prescription medicines.
Nakita umano sa x-ray scanning ang kahina-hinalang laman ng package kaya isinailalim ito sa physical examination.
Nakita umano sa loob ang mga pinatuyong dahon na nakasilid sa 21 canister.
Lumabas umano sa chemical laboratory analysis na marijuana ang mga ito.
Ngayong taon ay P124 milyong halaga ng ipinagbabawal na gamot na ang naharang sa Port of Clark.
Collab ng BPPO, 7SAB pinalakas
Jul 10, 2026
Rape suspek, nakorner ng mga parak sa parking lot
Jul 10, 2026
Landslide sa Sarangani, 10 nasawi
Jul 10, 2026

