Just In

Calendar

January 2025
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  

Pagbabantay sa biosecurity ng agri at kampanya vs peste pinaigting

Cory Martinez Aug 23, 2024
99 Views

PINASINAYAAN ng Bureau of Plant Industry (BPI) ng Department of Agriculture (DA) ang quarantine service division sa Subic Freeport Zone para paigtingin ang pagbabantay sa biosecurity ng agrikultura at masolusyunan ang mga panganib mula sa mga peste at sakit sa mga halaman.

Pinangunahan ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang pagpapasinaya sa quarantine room na ayon sa kanya isang mahalagang hakbang para sa pangangalaga sa sektor ng agrikultura kundi pati na rin ang kabuhayan ng milyun-milyong Pilipino at matiyak ang food safety at security.

“Today, we’re making substantial progress towards ensuring the well-being of our agriculture sector and the prosperity of our farmers,” ani Tiu Laurel.

Mapapaigting ang lokasyon nito ang mabisang border control measure at mapapabuti ang kapasidad ng bansa na pamahalaan ang mga panganib sa agrikultura.

“The establishment of this new office holds significant importance due to its position as a prominent center for trade and logistics,” dagdag ni Tiu Laurel.

Binigyang-diin ni Tiu Laurel ang kritikal na papel ng plant quarantine service sa pagpapanatili ng food security at pagsuporta sa mga magsasaka.

Magkakaroon ng malaking epekto sa ekonomiya ang pagsulpot ng mga peste at sakit sa mga halaman na siya namang magiging papel ng pasilidad sa mabisang pagsawata sa mga naturang hamon.

Samantala, tiniyak ni Eduardo Jose Alino, chairman at administrator ng Subic Bay Metropolitan Authority sa DA-BPI, na tutulungan nila sa pagrepaso ng mga sanitary at phytosanitary requirements ang sinumang mga trading partner na dumaan sa naturang freeport.

Sinabi naman ni BPI director Gerald Glenn Panganiban na mapapadali ang quarantine process at ang trading activity ang pagkakaroon ng sarili nilang tanggapan sa Subic habang tinitiyak ang biosecurity ng mga paparating na mga pagkain sa pamamagitan ng naturang freeport.