Calendar
Pagbubuo ng Migrant Workers Relations Commission ikinagalak ng OFW Party List

NAGPAHAYAG ng kagalakan si dating OFW Party List Representative Marissa “Del Mar” P. Magsino matapos isulong sa Senado ang pagtatatag ng Migrant Workers Relations Commission.
Ayon kay Magsino, malaki ang maitutulong ng nasabing panukala para matugunan ang pangangailangang legal ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) kasama na ang Filipino seafarers para sa pagpo-proseso ng kanilanv labor disputes.
Sinabi ni Magsino na mahalagang magkaroon ng isang hiwalay na “claims court” o quasi-judicial body na ang pangunahing layunin ay tutulan ang mga kasong mayroong kaugnayan sa kontrata ng mga OFWs kabilang na dito ang mga paglabag sa batas ng mga kompanyang pinapasukan nila tulad ng biglaang pagtatanggal sa trabaho at pang-aabuso.
Paliwanag ng dating kongresista na layunin nito na mapangalagaan ang kapakanan at kagalingan ng mga OFWs at Pinoy seafarers na dumaranas at prone sa iba’t-ibang uri ng pang-aabuso.
Dahil dito, pinasalamatan ni Magsino si Senator Raffy Tulfo, Chairman ng Senate Committee on Migrant Workers, dahil sa pagsusong nito ng Senate Bill No. 1480 at pagsisikap na mapangalagaan ang kapakanan ng mga Filipino Migrant workers.
Kasabay nito, naging panauhing pandangal si Magsino sa ginanap na ribbon cutting ng WMOC Documentation Service at Worldwide Maritime Hospital and Training Institute (WMHTI).

