Nakaw

Pagnakaw ng CP, pera ng lalaki hagip sa CCTV

314 Views

TATLONG cellphone at P330,000 ang umano’y natangay ng kawatan sa katabing kuwarto na kanyang nirerentahan sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City noong Biyernes na nahuli ilang oras matapos isagawa ang krimen.

Sa tulong ng CCTV, nabuking ang pagnanakaw ng 24-anyos na lalaki, ayon sa Holy Spirit Police Station 14 na naganap dakong alas-12:19 ng hatinggabi.

Agad na ipinagbigay-alam ng biktima sa pulisya ang insidente kaya rumesponde ang mga tauhan ng PS 14 at inaresto ang suspek sa loob ng kuwartong inuupahan niya.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) acting director PBGen Christopher Olazo, mahalagang maging mapagmatyag ang publiko at iulat sa pulisya ang anumang kahina-hinalang gawain upang mabilis na maaksyunan ang mga insidente.

Inihahanda na ang kasong theft laban sa suspek na isasampa sa Quezon City Office of the City Prosecutor.