Calendar
Pagpapalakas ng ship industry sa ating bansa isusulong ni Oducado
SA PAGPASOK ng 20th Congress, sisikapin ni 1-TAHANAN Party List Representative Nathaniel “Atty. Nat” M. Oducado na mapalakas ang “ship industry” sa ating bansa sa pamamagitan ng paghahain ng mga panukalang batas para sa layuning ito.
Sinabi ni Oducado na matapos ang kaniyang pakikipag-pulong sa mga opisyal ng Maritime Industry Authority (MARINA) upang talakayin ang mga panukalang isusulong nito sa Kamara de Representantes para mapabuti ang maritime industry.
Nabatid sa kongresista na kabilang sa mga panukalang itutulak nito ay ang pagpapalakas ng Philippine Ship Registry na magpapa-angat sa maritime sector sa ating bansa na makakatulong sa mga Pilipinong nagma-may-ari ng mga barko.
Ayon kay Oducado, sa pamamagitan ng nasabing panukala, mas maraming Filipino-owned ship ang gaganahang maglayag habang ipinagmamalaki ang ating watawat na tumatalima naman sa international standards.
Pagbibigay diin ng baguhang mambabatas na determinado siyang itulak ang nasabing panukala sapagkat naniniwala itong malaki ang maitutulong nito para umangat ang ekonomiya ng ating bansa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng maraming trabaho.
“This is one of the legislative priorities I am determined to push forward. Because I believe that a strong maritime industry is crucial not only in boosting economic our economy through trade and transportation bu also creating jobs,” ani Oducado.
Idinagdag pa ni Oducado na tinalakay din sa ginanap na pakikipag-pulong nito sa MARINA ang pagpapa-unlad sa shipbuilding at ship repair (SBSR) industry na may malawak na potensiyal upang mailagay ang Pilipinas bilang “maritime innovation” at “skilled labor hub”. sa Asya.

