Villanueva

Pagsasabatas ng Anti-Online Gambling Act of 2025 muling ipinanawagan ni Bro. Eddie

Mar Rodriguez Jul 8, 2025
320 Views

SA GITNA ng umiigting na panawagan para tuluyan ng mabuwag ang operasyon ng online gambling sa ating bansa. Muling nanawagan si CIBAC Party List Representative Eduardo “Bro. Eddie” C. Villanueva upang agarang maisabatas ang kaniyang panukala o ang “Anti-Online Gambling Act of 2025”.

Binigyang diin ni Villanueva, founder ng Jesus-Is-Lord (JIL), na ang inihain nitong House Bill No. 637 ay maituturing na “moral at social emergency” para tuluyan ng masugpo ang online gambling na tinawag nitong “digital plague” bunsod ng perwisyong idinulot nito.

Sinabi pa ni Villanueva na hindi lamang ang pagkakulong ng maraming kabataan at menor de edad ang nakakabahala kundi ang mga buhay na kinikitil nang sa operasyon ng online gambling sa harap ng pagkawala at hinihinalang pagkamatay ng mga sabungero.

Paliwanag din ng kongresista na kung hindi masosolusyunan sa lalong madaling panahon ang lumlalang problema ng online gambling sa ating bansa. Dapat na umanong asahan na mas marami pang buhay ang wawasakain nasabing sugal.

“Online gambling will continue to wreak havoc in our society by destroying lives, families and futures. Unless we stop it. The deaths of and disappearances of the sabungeros are only tip of the iceberg,” sabi ng mambabatas.

Unang inihain ni Bro. Eddie ang House Bill No. 637 noong 20th Congress na naglalayong I-ban ang online gambling habang nakasaad din sa panukala nito ang pagpapataw ng mabigat na kaparusahan laban sa mga lalabag na may kasamang pagkakakulong.

Muling iginiit ni Bro. Eddie na ang pagkawala ng mga sabungero ay maituturing na isang karumal-dumal na manipestasyon kung gaano sinsira ng online gambling ang sistema ng ating batas sapagkat mistulang hindi na natatakot ang mga sangkot dito.