PCG

Pagsunod sa arbitral ruling sa WPS paninindigan para sa tama — Sen. Kiko

257 Views

NANAWAGAN si Senador Francis “Kiko” Pangilinan sa pandaigdigang komunidad—lalo na sa China—na igalang ang 2016 Arbitral Award na kinikilala ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea. Giit niya, ang pagbalewala sa naturang hatol ay pagtalikod sa mga prinsipyo at aral na naitaguyod mula pa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

“We must uphold these principles not only in words, but in deeds,” ani Pangilinan, na tumukoy sa desisyong inilabas ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague noong 2016. Nilalaman ng ruling ang pagbabasura sa malawak na pag-angkin ng China sa South China Sea at pagkilala sa karapatan ng Pilipinas alinsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Binigyang-diin ni Pangilinan na ang hindi pagsunod sa mga legal na hatol ay pagwawalang-bahala sa mga aral ng kasaysayan: “Anything less,” aniya, “betrays the very lessons that World War II—and history itself—has already taught us.”

Ipinahayag ng senador ang pahayag matapos ang mga komento ni Chinese Ambassador Huang, na iginiit na ang kasalukuyang pandaigdigang kaayusan ay batay sa mga aral ng World War II. Bagama’t kinilala ni Pangilinan ang kahalagahan ng mga aral mula sa digmaan, ipinasinungalingan niyang sapat na iyon kung hindi isasakatuparan sa pamamagitan ng konkretong pagkilos.

“The postwar international order Ambassador Huang invokes is built on the United Nations Charter, the 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), and the binding decisions of international tribunals,” ani Pangilinan.

Tinukoy din ng mambabatas na parehong nakaranas ng pananakop ang China at Pilipinas noong World War II. Aniya, “Eighty years ago, China and the Philippines endured the devastation of occupation. Today, the Philippines faces unlawful aggression on our sovereignty and our Exclusive Economic Zone.”

Sa konteksto ng kasaysayan, ipinunto niya ang paniniwala na nanaig noon ang katarungan laban sa puwersa—at muling mangyayari ito. “Just as history proved then, we Filipinos believe it will prove again—that such aggression will fail.”

Para kay Pangilinan, ang pagtalima sa desisyong arbitral ay hindi lamang simpleng usaping legal kundi isang paninindigan para sa tama. “True stability between nations is not achieved by might, but by mutual respect for sovereignty, adherence to law, and the courage to honor commitments,” aniya.