Uniform Source: PCADG FB

PAGSUSUOT NG UNIPORME NG PULIS BILANG COSTUME, IPINAGBABAWAL SA BATAS

581 Views

MAHIGPIT na ipinapaalala ng Philippine National Police (PNP) sa publiko na ang uniporme ng PNP ay sagisag ng awtoridad, disiplina, at paglilingkod.

Ang walang pahintulot na paggamit, paggaya, o paggawa ng kopya nito—para sa aliwan, kasuotan, o pansariling pakinabang—ay labag sa batas sa ilalalim ng Article 179 ng Revised Penal Code.

Ayon sa Article 179 of the Revised Penal Code (Illegal use of Uniforms or Insignia), “it penalizes any person who shall “publicly and improperly make use of insignia, uniforms or dress pertaining to an office not held by such person or to a class of persons of which he is not a member.”

Ito ay may kaparusahang arresto mayor, o pagkakakulong mula isang buwan at isang araw hanggang anim na buwan.

Maaari rin itong samahan ng multang itinakda ng korte, depende sa bigat ng kaso at kalagayan ng paglabag.

Ang PNP uniporme ay nararapat lamang isuot ng mga karapat-dapat na nagsakripisyo at tumupad sa tungkulin. Panatilihin nating mataas ang dangal ng organisasyon at igalang ang dignidad ng serbisyong kinakatawan nito.